Tuesday, February 22, 2011

Talaan ng Aking Buhay ;)-Marlon Bustarde

                        Bago ko ikuwento ang buhay ko,ibabalik tanaw ko muna ang panahon kung kailan nag-iibigan ang aking mga magulang.
                      
                       Sila ay tunay na magkaibigan.Isang araw may nanliligaw sa aking ina,at itong nanliligaw sa aking ina,ay kaibigan ng aking tatay.Inilalakad ng aking tatay ang kaibigan niya sa aking  ina,ngunit hindi maganda ang naging resulta , binasted ng aking ina ang kaibigan ni papa. Nung oras na iyon natipuhan ng aking tatay ang aking ina . niligawan ito ng aking tatay ang aking ina, naging matagumpay naman ito dahil mabait ang aking tatay,nasa kanya na lahat na hinahanap ng aking ina.

Ako at si pinsan Albert
                        Sa lungsod ng Sorsogon, sa Bicol ipinanganak ako noong july 21, 1995 sa ganap na 2:20 ng madaling araw. Tuwang tuwa ang aking mga magulang at pati na rin ang mga lola't lolo ko at tiyo't tiyahin ko .

                         Noong nag isang taon ako naging masaya ang aking kaarawan,  maraming handa at maraming kasiyahan. Noong ako naman ay nasa dalawang taon naging maayos din ang aking kaarawan. Malikot daw ako sabi ng aking ina at maalam na daw ako noong magdamit at magtsinelas. Kapag naglalaba naman ang aking ina iiwan niya lang ako sa duyan at bubuksan niya ang t.v at mabait naman daw ako, di naman daw ako naglilikot. Noong ako nama'y nasa edad na tatlong taon ay lagi akong kasa-kasama ng aking pinsan na may trabaho , lagi akong nasa "jollibee", masarap daw ang buhay ko noon , at naranasan ko rin na pumasok ng ako ay tatlong taon pa lang at dalawang beses pa ako nagkinder , dahil hindi pa ako tinanggap sa Grade 1.

                         Noong nag-grade 1 naman ako naranasan ko rin na mapasama sa mga "honorable mention" at naging guro ko ay si Mrs.Ma Christina Calingasan. laking tuwa din naman ng aking mga magulang, at ng sumapit ang taon na ako ay mag-grade 2, hindi na naulit ang pagiging honor ko at ang guro ko ay si Mrs.Evelyn Quinton. Natatakot ako ng ako ay mag grade 3, dahil ang taray ng aking naging guro, pero mabait din naman ito at ito ay si Mrs.Mnerva Aguila. Nagkaroon ako ng disiplina dahil sa teacher na ito, at  isa pang hindi ko makakalimutan ay nag nagpatuli kami ng pinsan kong si ALBERT sa may medical hospital . hindi ko kasi akalain na magpapatuli agad kami noon kasi msyado pa kaming bata , at kong umayaw kami dun ay hindi rin kami magiging ganap na BINATA .



                         Nang natapos na ang operasyong iyon natanggal ang kaba naming dalawa ni kuya ALBERT , nang kami'y matapos na magpatuli . habang hawak namin ang aming short habang naglalakad ay tumatawa na kami at ang makakasalubung namin ay aming tinatakot, tuwang tuwa kami ng kuya kong si ALBERT . At nang ako ay nasa Grade 4, ang naging guro ko dito ay si Ms.Rose Titular, siya ay mabait, magaling makisama sa mga estudyante niya. Noong ako ay nasa Grade 5, naging masarap ang buhay ko at naging komportable ako sa lahat ng bagay. Naging guro ko dito ay si Ms.Celeste Cape.

                       Naging maayos din ako noon at maaga akong nagkaroon ng kasintahan. Noong grade 6 naging maayos na noon ang buhay ko, akala ko nga hindi ako makakagraduate dahil napakatary ng teacher ko . Ang pangalan nito ay si Ms.Sinfrosa Belen.

Yan ako nung High School
                       Yan na ! nakagraduate na ako ng elem. ang saya ko , dahil kahit papaano nakatapos ako ng elementarya. Naging mahusay ako noong 1st year , palasagot kapag may recitation ang paborito kong guro noon at hanggang ngayon ay si Mrs. Brinas sa Math at si Mr. Lacsam sa Filipino, lage ako sa kanila nakakasagot , sayang nga lang at napaltan ang teacher namin sa Filipino. Noong ako'y magsecond year , nakahinga -hinga ako noon ng maluwag kasi maayos ang buhay ko noon. Hindi  ko talaga makalimutan noon , noong kami ay nagflorante at laura dahil ang ginanapan ko doon ay isang "LION" at ang masmatindi pa diyan ang kulay ng aming balat ay imbes na dilaw ay berde. Akala ko iyon na ang pinakamasaya kong taon dahil sa mga kaklase ko.


                      Noong third year naranasan ko ang lahat ng bagay. Ako'y naging masaya dahil ang mga kaklase ko'y mababait . Naging masayahin ako noon dahil makukulit din kaming lahat. Kapag may mali ang isa ay kasalanan ng lahat. Lahat ng mapapagalitan, walang turuan, at wala ding magpapahamak. Naranasan ko na , na sumali sa sayaw at ito'y 1st  time ko palang, Naging magandang resulta, naging third kami kahit papaano. Nagcelebrate kaming magkaklase at nabuo ang samahan naming lahat ng magkakaklase at ito ay tinawag na "PARTY PIPXS". Ang hindi ko talaga makalimutan ay ang junior  and senior promenade ng 3rd year and 4th year. May natipuhan ako at ang pangalan nito ay si "RHAYA MONIQUE RAMOS ". Sinayaw ko ito at siya ay pang pito sa mga sinayaw ko. Nang matapos ang j/s namin nakakalungkot isipin na natapos kaagad.

                    

                    
                        Nakaraan ang isang buwan nagtapat na ako sa kanya at sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya. Naging maayos , naging kami noong March 04,2010,masaya ang pagsasama namin ,walang naging hadlang saming dalawa. Magbabakasyon na nakakalungkot isipin  na matatapos na ang taon , at nakakalungkot ding isipin na magkakahiwahiwalay na  kaming lahat.Nagkakatext kami ni rhaya ,minsan may away minsan sweet din kami pero dumating yung time na nagkaaway kami at humantong sa paghihiwalayan. Tumagal lang kami ng dalawang buwan. Nasaktan din ako ng sobra.






                        Ngayong 4th year na ako masaya ako na makakagraduate na ako , naging malungkot ako dahil di ako nakasama sa j/s. Basta ang mahalaga tutuparin ko ang mga pangarap sakin ng aking mag magulang.Di ko sila bibiguin. Alam ko at kaya ko na iahon sila sa hirap at masuklian ang kanilang hirap. Sisikapin ko talaga na makatapos ako at para narin hindi maging pabigat sa pamilya. Tutulungan ko ding makatapos ang aking mag kapatid,dahil ayoko silang mapatulad sakin,nakong kelan ako 4th ay saka kami naghirap ngunit hindi ko sinisisi ang aking mga magulang dahil talagang panapanahon lang ito . Gusto kong maging  isang ganap na architect o kaya'y maging isang fine artist.

Monday, February 21, 2011

Ang Babaeng Hampaslupa (Talambuhay ni Angelou Delos Santos)




Ako si Angelou Delos Santos anak ni Andres at Jennifer Delos Santos. Mula ng ako ay nabuo sa sinapupunan ng aking ina,sila ay naging masaya lalo't higit sa lahat ang aking ama dahil mayroon na naman  silang inspirasyon sa buhay bukod sa panganay kong kapatid . sabi ng aking ina nahirapan siya sa paglilihi sa akin lalo na sa umaga andiyan na yung pagsusuka , matakaw sa tulog at tamad maligo.Sabi nya pinaglihi ako sa siopao,mansanas at balot.kada may gusto siyang kainin ay ibinibigay ng akin ama . An aking ama naman sobra-sobra ang pagmamahal,pag-aalaga at pagaasikaso sa aking ina maibigay lamang ang gusto at siya rin ay isang istrikton ama. Kada buwan nagpapatingi siya sa doktora para malaman ang kalagayan at kalusugan ko . Sa tuwing nagpapatingin ang aking ina sa doktora ay kasa-kasama ang aking ama.Naririnig nila ang tibok ng aking puso at nakikita nila kung maayos ang aking kalagayan sa pamamagitan ng makinaryang "ultrasound".Binibigyan ng doktora ng resetang bitamina ang aking ina para sa kanya at para sakin.Hanggang sa umabot iyon ng siyam na buwan at nang sumapit na ang kabubuwanan nang aking ina sumasakit na ang kanyang tiyan at siya pala ay manganganak na .Nang ako ay maluwalhating isinilang na naging masaya ang aming pamilya lalo na nang makita nila ako . Ako ay isan mapiti at matabang bata .
Ako ay laging inaalagaan ng aking mga tiyo,tiya,lolo at lola pati na rin ang aming kapitbahay.
Ang larawan na iyan ay ang aking unang kaarawan.Kahit konti ay meron kaming handa sa aming munting bahay.

At nang sumapit ang kapiyestahan nan aming bayan isinabay na nila ang pagbibinyag sa akin .Nagkaroon naman ng konting handaan sa aming munting bahay, ipinanganak ako noong Agosto 1, 1994.Andiyan na yung nagkakasakit ako tataba at papayat ako.Nang ako ay nag isang taong bata pinaghanda na rin naman nila ako sa aming munting bahay.
        
Naging masaya ang aking pagkabata nang sumapit na ang aking ikalimang taon ipinasok na nila ako sa paaralan sa kinder,hindi sa pamamalaki ako ay isang matiyaga at matalinong bata.Ako ay isang aktibong bata ,ako ay mahilig sumali sa sayawan at paligsahan.Ako rin ay mahilig isali ng aking guro sa mga aktibong pampaaralan.
           Nang ako ay makatapos ng kinder nasundan na iyon ng unang baitang hanggang anim na baitang .Andiyan na yung minsan tinatamad pumasok,tinatamad magaral at ayaw gumawa ng takdang aralin.Dahil diyan kaya minsan pinapagalitan  ako ng aking ina at ama .Dito ko rin naranasan ang iba't-ibang aktibong pampaaralan.Nan sumapit naman ang aking ika-pitong kaarawan naging masaya ako dahil kahit konti may handa kami sa aming munting bahay.At nung ako ay nasa ikaapat na baitang tandang tanda ko pa nasa di inaasahang pangyayari "napautot" ako ng  malakas sa klase dahil sa katatawa dahil dun napahiya ako sa aking mga kaklase at sa aking guro at simula nun tuwin papasok ako sa sild aralan nahihiya na ako dahil pakiramdam ko ako yung pinag-uusapan,pinagtitinginan at pinagtatawanan kaya minsan ayaw ko na pumasok,dahil din dun kaya ako niloloko/inaasar nagg aking mga kamag-aral.
            Nang ako naman ay nasa ikalimang baitang sumayaw naman kami ng lumang tugtugin na "Pandango sa Ilaw".Sa di inaasahang pangyayari kami ay nanalo sa sayawan at pangako ng amin guro na pasayawin ulit kami, ang tanong kung magkakaklase pa kami ?pero inaasahan naming lahat na magkakaklase pa kami.Dahil dun mas lalong naging masaya kami lalo na ang aming gurong tagapayo.Nang sumapit naman ang ika-anim na baitang sumayaw ulit kami ng "Pandango sa Ilaw" at lumaban kami sa iba't iban iskul pero sa kasawiang palad natalo kami kaya ng malaman namin iyon nanlumo kaming lahat pero sabi ng aming guro ayos lang iyon hindi naman nasayang ang pagod ninyo at kahit papano ay binigay ninyo nang husto ang effort. Nang sumapit na ang Graduation ako ay masaya dahil natapos ko na ang elementarya pero mas masaya an ina't ama ko dahil kahit papano nakaraos na sila sa pagpapa-aral at sakripisyong ginawa nila.
Nang ako naman ay mag-highskul dito na namin naranasan an iba't ibang suliranin sa pamilya,sa iakul at higit sa lahat dahil sa kakulangan sa pera nung kami ay bata pa masagana pa kami, pero nang madagdagan kami ng ate ko ng 3 pang kapatid dito na namin mas hiit na naranasan ang suliranin sa pamilya.
         Nang ako naman ay mag-unang taon sa highschool pumasok ako sa paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School unang pasok ko palang sa paaralan na iyon para akon tanga kasi hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon ang dami nangg nagsasabi na estudyante rin doon na parang ma tanga ang 1st year at tandang tanda ko noon balugaen pa ako ang dala ko pa nung mga bag dalwa-dalwa at tanda ko pa rin nung 1st year ay naglalaro pa ako n chinese garter sa iskul at sa aming bahay,naaalala ko tuloy an sinasabi sakin ng akin ina na nireregla na nagchi-chinese garter ka pa at 1st year rin ako magsimula ng regla . Dito rin ako nakakilala/nakasalamuha ng iba't-ibang mukha at ugali dito rin ako nagkaroon ng mga kaibigan dahil nung 1st year ako mabait at palakaibigan ako 1st year din ako lumaban ng ibong adarna  di ko na nga natandaan kung nanalo kami o hindi nang ako naman ay nasa 2nd year highskul dito na ko natutong manamit at kumilos ng ayos, dito na ko nagsimulang magkaroon ng "crush" iba pala ang piling ng may crush kasi ako minsan nagpapapansin tapos minsan pag nakikita ko siya na may kasamang ibang babae nagseselos ako hindi ko alam kung bakit siguro dala lang ito ng malanding panahon siguro gusto nyong malaman ang crush ko no ?.. pero sakin nalang iyon dito rin ako natutong  umibig 2nd year pa lang ako ay may boyfriend na pero parang puppylove lang . dito rin ako may nakasagutang guro,gurong tagapayo ko pa ang nakasagutan kasi kasalanan naman niya konting bagay pinagbabawalan kasi sa lahat iyon ang ayaw ko at saka pag alam kong tama ako ipinaglalaban ko talaga iyon kahit ikaw pa ang pinaka makapangyarihan pero lang ang diyos.
      
Nang nasa ikatlong taon na ako dito na ko nakaranas ng "JS Prom" ang saya saya pala lalo na pag 1st tym mu lang kung sinu-sino ang nagsasayaw sayo kaya nun mga araw na iyon sobrang saya ko at ito an hinding-hindi ko malilimutan sa buhay pagkahighskul at dito na ko natuto ng kung anu-anon bagay na dati'y hindi ko nagagawa tulad ng pagiinom,paniniarilyo at malimit na magcutting sa klase tulad ng dati nacutting kami para lang mainom pero hindi ko inaasahan na one time nga lang magcutting nahuli pa kami ng aming gurong tagapayo at kinabukasan pinagalitan kami at  pinatawag ang aming magulang pero ako ang pinapunta ko ay ang aking ate na kapatid ni mama na bata pa.Dahil kapag si mama ang pinapunta ko sigurado papagalitan ako at tatanung nasaan ako n mga oras na iyon.Dito rin ako natutong umuwi n gabi dahil para mamasyal lang.Dito rin nagsimula gumulo ang buhay ko nagkandaletse-letse ang pagaaral kon  at sa pamilya ko.
Sa pamilya ko naman nag-aaway ang aking ina't ama dahil sa pera kasi nung bata ako sagana pa kami lahat ng gusto namin binibigay nila pero nang maging lima kaming magkakapatid parangg dito na nagsimula na maghirap kami .Isang beses na nag-away ang aking ina't ama tapos naghiwalay sila parang gumuhon lahat ng mga pangarap ko sa amin pamilya,ang ate ko parang walang pakialam, naisip ko minsan panu na kami ng mga kapatid ko at pagaaral namin sinong magbibiggay n amin baon sa araw-araw naisip ko din minsan kanino kaya ako sasama kay mama o kay papa,tapos sabi ko sa sarili ko makapag-working student na lang kaya para sa pangtustos sa aming magkakapatid at pagkain sa araw-araw pero di rin nagtagal nagkabalikan na din sila tapos di ko akalain na yung pagaaway nasundan pa kaya di na rin ako nagtataka minsan kaya sila nag-aaway dahil na rin sa kakulangan sa pera kasi kahit anong kayod ni papa kulang at kulang pa rin. Dito ako natutong sumagot sa ma magulang ko at umuwi ng gabi dahil sa aking boyfriend dati.
 "Ako at ang Aking mga Kaibigan"
             Kaya ito 4th year na ako malapit na akong magtapos.Sila ang aking mga kaibigan na nagpapasaya sa akin sa tuwing mayroon akong problema.Ngayon ay magulang ko pa rin ang matiyagang nagpapaaral sakin kaya ako ay nagsisipag at nagtyatyaga para makapagtapos ng pag-aaral ito sa awa ng diyos 1 buwan na lang gagraduate na ako tapos na   ang paghihirap at sakripisyo ng mga magulang ko ,kaya lahat ng hirap at sakripisyong ginawa nila susuklian ko iyon ng higit pa kaya nagpapasalamat ako sa diyos at sa magulang ko sa lahat lahat lahat ng ginawa nilan mabuti para sa akin.MARAMING SALAMAT

 Ako ngayon dalaga na at mag cocollege na ay inaayos ko na ang aking sarili.Natutuhan kong harapin ang mga pagsubok na aking naranasan sa buhay.

Sunday, February 20, 2011

ANG AKING BUHAY (ni Alyssa Juinio 4-E)



Talambuhay
(Alyssa Mae C. Juinio)

ako nung nag-investiture
ako ito
Ako si Alyssa Mae Centillas Juinio ,16 na taong gulang .,ipinanganak noong Agosto 21,1994 ,lumaki sa brgy. Bagumbyan DMV II S.P.C  (kuligligan). Laki ako sa aking tiyahen noong ako’y maliit ,habilin ako lagi ng aking inang si Marilou Villar Centillas sa kanyang malapit na pinsan na si tiya Belen ,palagi akong kasama sa pagbyahe ng aking tiya belen ,pagpunta sa aming probinsya sa Bicol o di kaya sa Maynila kung nasaan man sya ay naroon rin ako, ngunit kapag daw ako’y  nag-iiyak at lagi ko daw hinahanap ang aking ina,sinusundo ako ng aking amang si Luisito Juinio,hindi legal na asawa ni mama si papa ,may unang asawa si papa at 3 ang naging anak nya doon ito ay sila kuya Jonald,ate Cathy ,at kuya John, at 3 rin naman kaming anak ni papa kay mama ako ang panganay ,sumunod sa akin ay si Jayson at Jomar , ngunit kahit ganito ang sitwasyon naming ,hindi pa rin iba ang turingan naming magkakapatid parang tunay naming silang kapatid at ganun rin naman sila sa amin .
me w/my cousins

Ginanap ang aking unang kaarawan sa Los Banos sa tulong ng aking tyahen doon. Ako iyakin daw dati ,makulet pero mabait naman daw , katulad ng isang normal na bata ako’y nakikipaglaro din sa aking kapwa bata ,ditto yung oras na may kaaway ako lagi ako naiyak ., at ang madalas kong kalaro ay aking mga pinsan lalo na si Erissa ,kababata ko sya ,sya rin ang madalas kong kaaway .Dati naingit ako sa kanya kasi sya napasok na sa edad na 3 taon .,ako hindi pa ,ni hindi nga ako nag kinder eh ! napasok lng ako sa tuklong ang nagtuturo pa sa amin ay taga SPC .,patakas pa kung ako’ y pumasok .Eh nung siguro naawa sila sken pinagaral na ko ng unang baitang sa edad kong 7 taon , sa mababang paaralan ng Bagong Bayan Elementary Skul sa awa nang Diyos nagkaroon nman ako ng honor., 3rd honor , Lumaban din ako noon ng Little Miss UN 2001 sa aming eskwelahan  at nagwagi nman ako sa larangan na iyon . Noong ako’y nasa ikalawang baitang tumaas ako ng seksyon naging A. 

yan ako ngayon

    ako at siya
  • Sabi ng aking magulang ako ang pinaka matalino sa amin 3 magkakapatid kaya daw hindi nila ako pinag-kinder kasi mabilis nman daw akong turuan ., nagtapon nga lang daw sila nang pera sa dalwa kong kapatid kasi mahina daw sa klase . Nakakatuwa talaga pag bata madaling utuin ,mdaling pgsabihan . At pagdating ko ulet sa ikatlong baitang ay nanatili ang aking seksyon ganoon din sa ika-apat kong baitang nagging achiever pa ko noon at hanggang sa nakatapos ako ng Elementarya nanatili pa rin ako sa seksyon A , Gumraduate ako noong taon ng 2006-2007. Ito ang unang parte ng buhay ko na ako’y sadyang nalungkot ,dahil maghihiwahiwalay na kaming magkakaklase at maiiwan ko rin ang lugar kung saan nahubog ng husay ang aking pagkatao bilang bata . Sa mga oras na ito ay nahahati ang aking emosyon sa dalawa., nalulungkot , dahil nga magkakahiwalay na kami ng aking mga naging kaibigan .,at masaya naman dahil mararating ko na ang sabi nila ay pinaka masayang parte ng buhay estudyante ang Highschool Life.
.Noong una namimili pa ako kung saan ako papasok ng highskul ?, akala ko nuon sa LSPU ako papasok kasi kumuha ako ng form nun , tsaka yun ang sabi sken ni papa na sasamahan pa nya ko kaso hindi rin natuloy ., dahil may pinuntahan si papa at nakainom pa .! eh ang sabi nalang ni mama ay sa Dizon nalang daw ako pumasok kasi doon rin nman pumasok ang mga ate’t kuya ko ., At pumayag nman ako ! kasi mas gusto ko naman ang uniform nun kaysa sa City High .. At heto na ang enrollment , late enrollee’s ako noon ang sabi samin ng principal puno na daw ang seksyon A ,sayang nman daw ang mga grades ko kaya isiningit na lang ako sa A , laking tuwa naman ng aking ina at sinadya daw na isingit ako dahil nanghinayang lang sa aking mga grado . simula nun tumatak na sa isip ko na laki ng expectation nila saken .

mga barkada ko sa school
Unang araw ng pasukan ,nahihiya pa ko sa mga kaklase nun ,wala pa ko kakilala , naiilang pa  pero nang nagtagal nagkakakilakilala na kame ., dito ko nakita ang iba’t ibang ugali ng tao at ng isang teenager . 1st time ko kaya kung kumilos pa ako ay parang bata , kasi wala pa ko kamuang-muang noon . nagkaroon ako ng kaibigan hindi ko lang kaibigan parang kapatid pa ! siya ang una kong nagging kaibigan si Jerlyn Fernandez mabait sya sa mabait ,wala ka ng hahanapin pa sa kanya , siya ang naglapit saken sa panginoon kasi lagi nya ako sinasama sa pagsimba !, pagkatapos ng awasan simbahan dretso naming 3 kami magkakasama ako, si Alona at si Jerlyn ,lagi kami magkakasama pumasok at kung saan man , hanggang sa pagtungtong naming ng 2nd year kami pa rin ang magkakasama hindi kami nagkahiwhiwalay ., nadagdagan pa kami ng 1 sya si Wilyn Balitaan kaya nga lang sa sobrang dikit na kami sa isa’t isa ,nagkasamaan kami ng loob ! napalayo ang loob ko kila Jerlyn hanggang sa nagkahiwahiwalay na kami noong 3rd year ,at nagkaroon naman agad ako ng bagong kaibigan ! na mas marami , nawalan man ako ng 3 nadagdagan naman ! at dahil sa nadagdagan ! dito ko naman natutunan lahat ng kasiyahan ng isang teenager ditto naging pabaya ako sa aking pagaaral kaya bumaba ang seksyon ko ,..
ang ganda ko noh!
At ngayong ako’y 4th year na excited na agad ako, noon  kasi bumaba na naman ang seksyon ko , maninibago na naman ako , napaiyak ako nito kasi akala ko kaklase ko pa rin yung klasmeyt ko nung 3rd year yun  pala hindi na asang asa ako na may kakilala na agad ako kaso nagkamali ako nagmula sa seksyon ng 4-C ay naging 4-E naging kabado talaga ako nito kasi ang layo ng agwat sabi ko bakit hindi manlang 4D , E kaagad ayoko talaga noon sa E pero nagkamali ako , lahat nang inakala ko kabaligtaran lahat , dito ko nakilala nang lubusan ang sarili ko , nadagdagan rein ang mga kaibigan ko nito sila Hazelyn ,Angelou, at marami pang iba ., sana nga makagraduate kaming lahat kasi ito lang naman talaga ang hililng ng aking magulang na kahit Highskul lang ay matapos ko ! sana hindi ko mabigo yun ,kasi ako ang unang unang anak ni papa na makakagraduate pag nagkataon ., kaya pagbubutihan ko talaga ngayon taon na ito ..
proud to be graduating



Saturday, February 19, 2011

Ang Buhay Ko!!!!(Talambuhay ni Angelica B. Verzola 4e)(Ang Babaeng "CUTE") :D

Ako si Angelica Bendiola Verzola.Bunso sa apat na magkakapatid.Labing limang taong gulang.Pinanganak ako noong May 20,1995 (tandaan)..Noong nasa tiyan pa ako ni mama mahilig syang kumaen ng sampinit kaya dun ako pinaglihi.Ang aking mga magulang ay sina Ellen B. verzola at Venancio H. Verzola.Meron pa akong tatlong kapatid na sina Ma.Vanessa Verzola-Ramos.Evangeline Verzola at Dhonabella Verzola..Kami ay nakatira sa Prk.6 Brgy. San Francisco D.I Calihan San Pablo City..
ako nung baby pa!
Habang nalaki ako nagiging malikot ako.sobrang iyakin ko daw gawa ng pinsan ko lagi daw akong pinapaiyak..
Noong limang taon ako nagpunta kami ng Tagaytay para dalawin ang aming pisan don.Nagpunta kami sa Taal  kasama ang aming ibang pang kamag-anak.Yung mga panahong yun ang saya-saya namin kasi kumpleto ang buong pamilya..Ang kasama ko sa litrato ay ang aking mga pinsan at kapatid.Sila ate Vanj,kuya Mak,kuya Jomar,rogine,ate Dhong,Juvy,Che-Che,Rose-Ann,Marvin.(hindi ko na tanda yung isa eh)
me with my cousins in Tagaytay
Noong anim na taon na ako pumasok na ako ng Kinder sa amin.Si mama pa nga ang president nga mga magulang sa room eh.Nong gumaradute kami may medal ako..ang saya nga ni mama kasi my medal daw ako..hahaha..
Tapos nong nag-birth day ng piting taon madaming bisita ang dumating,lahat ng pinsan ko kumpleto pati mga kalaro at kapitbahay namin.Abalang-abalasina papa at mama sa aking birth day,pati mga tita at tito ko abala din.Isa yun sa mga hindi ko kakalimutang pangyayari sa buhay ko.Masayang-masya kaming lahat.Ang daming mga palaro at iba pa..
me when i'm 7 yrs.old
        Noong ng birthday ako,grade-one na ako non sa Ambray Elementary School..Hindi na yun kagaya ng kinder na after recess awas na agad na ang baon ay puro pagkain lang.Nong una lagi akong hinahatidan ng pagkain ni mama kapag lunch kaso nagtrabaho si mama kaya kailangan kong magbaon pero lagi ko naman kasabay ang mga pinsan ko na kumain sa tanghali.Nong grade-two na ako madami na akong kaibigan pati sanay na ako sa schedule ng aming klase.medyo nakakautay na din akong magbasa pati magsulat maganda-ganda na hindi kagaya nong kinder at grade-one ako..Tapos nong nauso pa nga yung sapatos na my gulong nagpabili agad ako kay mama patipinsan ko nagpabili rin sa kanyang mama.Nagkaroon pa nga ako sobrang kaclose na kaklase hindi ko sya matawag na bestfriend kasi nagkahiwalay kami nong grade-three kami.pareho pa ngan kaming merong award nong recognition sa Ambray eh.Tuwang-tuwa kming dalawa ksi hindi naman namin yun inaasahan,pati magulang namin tuwang-tuwa para sa amin.
         Nong grade-four na ako nag-first communion kami sa Cathedral.Lahat ng mga kasalanan ko kinmpisal ko.Hababg nataas ang aking antas sa elementarya lalong nadami ang aking mga kaibigan at lalong nahirap ang mga pinag-aaralan namin esp.sa math ever since talaga ayoko na nang suject na un kaso kailangan pag-aralan eh.Nong naggrade-five na ako(eto na)mahirap an mga ginagawa kelangan na din maging responsible sa lahat ng gawain kasi isang taon nalang gagraduate na ako kaya kailangan nang pagbutihan..Naalala ko din nong nagchristmas party kami dahil sa sobrang excited ako,the day before ang aming party bigla akong nilagnat kaya ayun hindi ako nakaattend sayang naman ung binayaran ko diba..kaya yung regalo sa akin ni Narciso pinagigay nya nalang sa pinsa ko.Ang bigay nya sa akin non ay teady-bear at kwintas sya din ang kauna-unahang first dance ko nong aming KID'S PROM kaso ahaed sya sa akin ng isang taon,eh grade-five palang namn ako nun eh sya graduating na.(sayang naman)..
       Tapos grade-six na ako(graduation time).Eto yung gustong-gusto naming magkakaklase,dapat lahat ng kailangan na gawin ay magawa na pati lahat ng kulang dapat makumpleto para make-graduate.Ang barkada ko nun may promise na dapat isang school lang ang aming papasukan kas hindi naman natuloy yun.Gumawa pa nga kami na cross stitch non eh ang hirap nga magtahi grabe.Meron pa nga kaming Graduation Ball eh nag-enjoy kaming lahat na grade-six.Tapos non graduation na ang damig umiyak kasama na ako dun gawa nang graduation song namin,sobrang senti atleast kahit umiyak kami worth it naman kasi nakagraduate na kami ng elementary...(sorry walng grad pic.eh hindi ko mahanap)
     Pagkatapos ng aming graduation bakasyon na happy-happy na naman,sunod-sunod na family outing,picture-picture every where,bonding moments baga ng isang pamilya with their relatives..haha..After ng happy-happy,enrolan naman ng highschool eto na big school na to.Super excited nga ako bumili ng school supplies eh,pati ung uniform ko nakahanda na para sa pasukan.
     Noong nagpasukan na sinamahan ako ni atesa orientation sa Dizon.Sa una sobrang nakakailang kumilos na parang elementary,nong una I-G ako kaso nung nalaman ni mama na medyo mababa ang aking section agad na akong pinalipat sa I-D at doon napalagay ang aking loob na parang welcome na welcome ako sa section na yun,dun ko din nakilala ang aking mga kaibigan na tunay..
class picture namin nung 1st year

Mkalipas ng ilang buwan ay second year na agad kami nararamdaman na din namin na pahirap na ng pahirap ang mga subject lalong lao na ang math.Dun din nadag-dagan ang aking mga kaibigan,nung una si arra,marielle,april,lindsay,emoi at daine ang laging magkakasama pero nung nagtagal napasama na sa amin sina janus,marcious,chinee,mj,bacani at barry..Pero nagkahiwahiwalay pagdating ng third year kasi tumaas ng section ang iba sa amin pati bumababa ang section ni marielle..Ang sabi ng ilang teachers sa amin ang pinakamahirap daw na year ay ang third yaer kaya pressured kaming lahat..Nong third year din kami naranasan din naming mag-JS..Ang saya nga namin nun eh,,partner-partners pa nga kami nung JS eh..
first "JS"
At ngayong nasa fourth year na ako,bumaba ang section namin ni arra.nung una ang hirap mag-adjust kasi hindi naman namin masyadong kakilala ang 4-e..Isang buwan nalang graduation na namin kaso hindi pa kami sure kung makakagraduate kami kasi meron pang mga kulang na dapat kumpletohin.pero sana makagraduate ako pati lahat ng fourth year para masaya..Para makatapos ako ng pag-aaral at para maging chef ako or kaya naman maging successful sa buhay para matulungan ko na sila mama..At  hindi kami magkahiwahiwalay magkakaibigan kasi kahit anong daming trials na sumubok sa amin nakakaya namin,ngayon nalang ulit nagkaproblema na super worst na as in kailangan pang mag-iwasan para lang walang gulo napakahirap sobra..pero ngayon mas madaming bonding moments ang nangyayari sa aming barkada..Ang saya-saya,pero lahat ng saya may kapalit na kalungkutan..Sana talaga makagraduate ako para naman matuwa sa akin ang aking mga magulang at mga kapatid ko..
bestfriends ko
me and emoi
editted me

TALA NG BUHAY KO ! ( Ang Talambuhay ni Eljay G. Luces 4-e )


           Ako si Eljay G. Luces, labing limang taong gulang. Anak ako nina Joel Luces  at Lorena Luces, mayroon  akong isang kapatid na mas nakatatanda sa akin at siya ay si Jobell G. Luces, nakatira kami sa brgy. 2-E San Anton San Pablo City.

4 months ako
         
Ako ay isinilang noong ika-7 ng Oktubre taong isang libo't siyamnaraan siyamnapu't lima sa bahay ng aking ina sa brgy. 2-E San Anton sa oras na 4:45 ng madaling araw. Sa pagkakakwento ng aking mama ko sa akin ako daw ay ipinanganak ng may balot, dagdag pa niya ako daw ay hindi humihinga nung  ipinanganak at ito ang dahilan kung bakit sinipsip ang ilong kong babaeng nagpaanak sa mama ko na tinatawag na manghihilot o kumadrona. Mataba't  maitim daw ako nung lumabas at may timbang na 7 pounds.
binyagan ko
        Ako'y bininyagan noong ako'y tatlong buwan pa lamang sa Simbahan ng Aglipay, doon ako bininyagan dahil noon daw ay marami pang inaasikaso sa malaking simbahan kapag magpapabinyag. Piyesta ng bayan noon sinabay nila ang araw ng pagbibinyag sa akin dahil ito na ang kanilang nakaugalian.
1st birthday ko
    
   Noong ako'y nag isang taon pinag handa nila ako, kasama kong nagdiwang noon ang aking pamilya, pinsan, tiyahin at pati ang aking mga ninong at ninang. Bagama't kakaunti lang ang aking handa masaya pa rin ako't pinaghanda nila ako.
       Nang ako'y nag-limang taon pinapasok na agad ako ng magulang ko sa kinder. Magkahalong tuwa at takotang aking naramdaman, tuwa dahil makakakilala ako ng mga bagong kaibigan at takot dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin baka pati masungit ang aming guro. Ngunit ng nakilala ko na sila, ayos naman naging mabait sa akin ang mga kaklase ko at hindi masyadong masungit ang aming guro. Nang matapos ang taon na iyon nakapasa ako nagtapos ako ng kinder, masaya ako nun dahil naka graduate ako.
graduation ko nung kinder
     
 Nung ako'y tumungtong na sa unang baitang ng Elementarya, halo na naman ang aking naramdaman dahil sa mga bagong kaklase, karanasan at guro. Takot na takot kaming lahat sa aming guro dahil mataray siya talagang umiiyak kapag iniwan ako ni mama sa dahil sa sobrang takot. Ngunit lumipas ang buwan hindi ko namalayang tapos na ulit ang pasukan masaya ako at natapos ko ang unang baitang. Noong nasa ikalimang baitang na ako doon ako nagsimulang humanga sa mga babae. Nung simula ng pasukan  nakilala ko ang una kong naging crush, lumipas ang ilang buawn nakilala ko siya ng lubos naging magkaibigan kami, doon ko siya lalong hinangaan. Nasa kanya lahat ng gusto ko simple, masipag, palakaibigan, mapagbigay, matulungin, magalang at cute. Ngunit nung nagtapat ako sa kanya ng aking paghanga siya ay walang paghanga sa akin tulad ng aking inaasahan masakit para sa akin na hanggang kaibigan lang kami. Ngunit agad ko itong natanggap dahil bata pa naman kami. Natapos ko ang ikalimang baitang at ako'y tumungtong na ng ikaanim na baitang tinanggal ko muna ang paghanga sa aking isip inintindi ko muna ang aking pag-aaral dahil isang taon na lamang ay makakapagtapos na ako ng Elementarya konting tiis na lang madami akong pinagdaanang pagsubok sa baitang na iyon isa nadoon ang mga test na aming pinagdaanan pero nagpapasalamat pa rin ako at ito'y nalampasan ko  pati na din na ang aking mga kaklase. Nang natapos ko ang ikaanim na baitang sobra ang tuwang naramdaman ko dahil nakapagtapos na ko ng Elementarya sa paaralan ng San Anton.
mga kaklase ko
        
Nang ako'y tumungtong na sa unang antas ng mataas na paaralan ng ANNEX V o Dizon High naramdaman ko ang pagkasabik sa mga bagong makikilalang kaibigan. Naging mabait silang lahat sa akin ngunit may isa akong nakaaway, masyado kasi siyang mayabang, nag-away kami, unang beses na naguidance ako talagang umiyak ako sa harap ng aking guro dahil sa takot na ipatawag ang magulang ko dahil sa pakikipag-away, mabuti na lamang at hindi ganon ang ginawa ng aking tagapayo, pinaglinis niya lang kami  at buti na lang hindi na yon nasundan ang ako'y mapaaway.  Nang matapos ko ang unang antas, naramdaman ko na ang pagiging binata simula ng ako'y tinulian nung nasa ikalawang baitang pa lang ako. Lalo ko itong  naramdaman nung ako'y nasa ikalawang antas na, isa na dito ang paglagong ng aking boses, nung una ay naninibago pa  ako, ngunit habang tumatagal ay nasanay na din ako. Lumipas ang ilang buwan nasa ikatlong antas na ako, kinabahan ako dahil sabi ng iba ito daw ang pinakamahirap na antas. Nadanas ko mga sinasabi nila lalo na sa paksang matematika doon ako nahirapan dahil simula elementarya hindi ay hindi ako magaling sa paksang iyon. Marami akong naranasang kasiya-siya sa ikatlong antas  kasama na dito ang aming bonding kapag half-day, kapag walang guro at breaktime, at syempre pag may kasiyahan mayroon ding kalungkutan. Buong klase namin ay na guidance dahil sa sobrang ingay dahil don pinarusahan kami pinaglinis kami ng mga daan sa paaralan namin pati sa banyo, malungkot kami lahat nun, lahat din ay pagod dahil sa paglilinis. Lahat ng iyon ay napawi ng malaman kong makakatungtong na ako sa ika-aapat na antas pati mga magulang ko ay masaya dahil don.
YAN AKO !!! xD
      At ngayon kasalukuyan na akong nasa ika-apat na antas ng highschool sa edad na labing-lima. Ilang buwan na lang at graduation na hindi ko pa din sigurado kung ako'y makakagraduate dahil mayroon pang ibang pagsusulit na dapat ipasa. Ngunit sa kabila ng lahat ay ginagawa ko pa rin ang lahat upang ako'y makapasa dahil ito ay para sa aking magulang at para sa aking kinabukasan. Bagama't ako'y sa isang mahirap na pamilya proud pa rin ako sa kanila dahol maayos nila akong napalaki. Kahit wala pang kasiguraduhan ang pagpasok ko sa kolehiyo wala akong galit sa kanila dahil naiintindihan ko ang aming sitwasyon. Kasalukuyan din akong isang SK konsehal sa aming baranggay masaya ako't nanalo ako noong eleksyon kahit yon ang aking unang pagkakataon na sumabak sa pulitikang pangkabataan. At dahil din sa pagkakaroon ko ng katungkulan kaya gusto ko din magtapos dahil gusto kong maging isa akong magandang huwaran sa mga kabataan sa aming baranggay, kaya gagawin ko ang lahat para makapagtapos ako.May isa pang dahilan yun ay ang babae ngayon sa buhay ko o girlfriend.Siya ay si "Maricris Castillo 4th year din sya.Isa siya sa mga inspirasyon ko masaya ako sa binibigay niyang pagmamahal.
 
SALAMAT !! xD 
    iLABo6